SUSPENDIDO ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme bukas, March 6, unang araw ng tigil-pasada ng grupong Manibela bilang protesta sa public utility vehicle (PUV) modernization program.
Nakahanda naman ang Metropolitan Manila Development Authority para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero na posibleng ma-stranded ng isang linggong tigil pasada simula sa Lunes.
Nasa 25 sasakyan ang ide-deploy sa mga lugar na makikitaan ng mga pasaherong mai-istranded dahil sa tigil pasada.
