BILANG pakikiisa sa Traslacion ng Itim na #Nazareno2024, papayagan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mga nakayapak na deboto na sumakay ng LRT-2 sa January 8 at 9, 2024.
Samantala, mananatili ang regular na oras ng operasyon ng LRT-2 sa mga naturang araw. Aalis ang unang tren sa RECTO STATION at ANTIPOLO STATION ng 5:00AM. Habang ang huling tren sa ANTIPOLO STATION ay aalis ng 9:00PM at 9:30PM sa RECTO STATION.
