BALIK na bukas, Marso 7, ang implementasyon ng number coding scheme sa National Capital Region (NCR), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Lunes.
Sa press briefing, sinabi ni MMDA acting chairman Romando Artes na hindi na nila palalawigin ang suspensiyon ng number coding scheme sa harap ng isinasagawang isang linggong transport strike.
“Ang pamunuan po ng MMDA ay nag-decide na hindi na po palawakin ‘yung number coding scheme suspension (MMDA officials decided not to extend the number coding scheme),” sabi ni Artes.
Sinuspinde ng MMDA ang number coding scheme ngayon Lunes matapos magdeklara ng tigil pasa ang mga operator at driver ng iba’t ibang transport groups.
Sinabi ni Artes na napansin ng ahensiya ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong Lunes dahil sa suspensiyon.
Sa harap nito, sinabi ni Artes na hindi naparalisa ng tigil-pasada ang sistema ng transportasyon.
Tanging 88 sa 1,600 lamang sa stand-by na sasakyan ang nagamit para sa libreng sakay sa mga apektadong pasahero.
