Mga larawan: MMDA, Rodyrick Bautista, VCC3 sa Valenzuela City
NALUBOG sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila matapos ang halos isang oras na pagbuhos ng ulan, Sabado ng tanghali.

Sa harap ng Camp Aguinaldo sa Quezon City ay hindi na nadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan bandang alas-12:54 ng hapon. Baha rin sa maraming lugar sa Maynila, partikular sa España, Maynila gayundin sa Malate.

Maraming lugar din sa Quezon City ang nalubog sa baha, gayundin sa Valenzuela City kasama na ang Mandaluyong City.

Patuloy namang pinag-iingat ang publiko sa paglabas ng kanilang bahay. Pinayuhan din na huwag na lamang lumabas kung hindi naman importante ang pupuntahan.
Dalawang low pressure area ang minomonitor ng local weather bureau na lumilikha ng malalakas na pagbuhos ng ulan.
