Ang labi ng apoy matapos ang 30-minutong sunog sa Quezon City. Photo Courtesy Juan Kyusi Fire and Rescue Volunteer
UMABOT lamang sa 30-minuto ang sunog na kumitil sa buhay ng mag-ina sa kanilang silid sa Barangay Krus na Ligas sa Quezon City, Huwebes ng madaling araw.
Bandang alas-3 ng madaling araw nang makita ang sunog na bangkay ng magg-ina – isang nasa 40-anyos at 18-anyos na anak na babae, ayon mga residente.
Kakalipat din lang umano ng mag-ina sa lugar.
Sa panayam kay Fire Sr. Supt. Aristotle Bañaga, sinabi nitong “Kakaiba po ang sunog na ito, iisang kwarto po siya at merong commotion … andun yung bata, sinasabing nagsisigaw ng tulong at hindi mabuksan kasi naka-lock po nga. At later on, siguro mga ilang minuto, andun na nga, bigla na lang nagkaroon ng apoy at nagkaroon ng sunog doon.”
Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng mga biktima, ayon sa Bureau of Fire Protection.
