BILANG selebrasyon ng Filipino Seafarers Day, may handog na LIBRENG SAKAY ang Maritime Industry Authority (MARINA), sa pakikipagtulungan nito sa Department of Transportation (DOTr) Railway Sector, para sa mga kababayan nating marino sa darating na Linggo, ika-25 ng Hunyo 2023.
Maaari nilang i-avail ang libreng sakay sa LRT-2 simula 7AM – 9AM, at 5PM – 7PM, at sa MRT-3 naman ay mula 5:30AM hanggang matapos ang operasyon nito.
Ipakita lamang ang inyong valid na Seafarer’s Record Book (SRB) o kaya’y Seafarer’s Identity Document (SID) para makapag-avail ng libreng sakay.
