BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day sa March 8, ihahandog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay sa mga kababaihang pasahero ng LRT-2 sa mga sumusunod na oras:
7:00AM hanggang 9:00AM
5:00PM hanggang 7:00PM
Ayon kay LRTA Administrator Atty Hernando Cabrera, ang libreng sakay para sa mga kababaihan sa LRT-2 ay pasasalamat at pagkilala ng LRTA sa tagumpay, galing at talento ng mga babae sa kanilang larangan at komunidad.
“𝐈𝐭𝐨 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧. 𝐒��𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐩𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚𝐦𝐢𝐧,” 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐂𝐚𝐛𝐫𝐞𝐫𝐚.
