HANDOG ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay para sa mga kababaihan bilang pakikiisa sa selebrasyon ng International Women’s Day ngayong Martes, ika-8 ng Marso.
Ang lahat ng mga babae ay maaring sumakay ng LRT-2 mula 7:00AM hanggang 9:00AM at 5:00PM hanggang 7:00PM ng walang kapalit na bayarin.
Ito ay patunay sa dedikasyong ng LRTA upang supportahan ang ating mga kababaihan, lalo na sa oras kung saan dumadagsa ang tao.
