SIMULA na ngayon ang libreng sakay sa shuttle service para sa mga pasahero ng LRT1 mula Edsa station hanggang Manila Bay Aseana sa Parañaque.
Magtatapos ang programa ng libreng sakay hanggang Abril 17.
Ihahandog ang shuttle service ng City Optimized Managed Electric Transport (COMET) mini-buses.
Ang mga ito ay air-conditioned at may zero emission at maaaring makasakay ang hanggang 30 pasahero kada byahe.
Ang second phase ng shuttle service ay makararating na sa Makati central business district.
Bukas ang libreng shuttle service sa LRT1 Riders’ Club members. Mag-download lamang ng GET-Pass app at mag sign up para maging miyembro nito.
Ang club members ay magkakaroon ng regular rate na P50 sa isang araw na pass, P150 para sa isang lingo at P500 para sa isang buwan.
Ikinatuwa naman ng mga commuter ang free shuttle service at sinabing malaking tulong ang programa para sa kanila. Tatakbo ang shuttle service ng mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi.
