Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Metro

Las Piñas-Zapote River Drive flood watch, isusulong

admin July 23, 2025

Umabot ng lagpas-tao ang tubig baha sa Zapote-Las Pinas River Side sa pananalanta ng habagat sa Metro Manila.

ISUSULONG ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang pagpapatupad ng malawakang “Las Piñas-Zapote River Drive Flood Watch” sa lahat ng 20 barangay ng lungsod bilang tugon sa patuloy na problema ng matinding pagbaha, partikular sa mga mabababang lugar at mga komunidad na nakapaligid sa mga daluyan ng tubig.

Ayon kay Santos, ang naturang programa ay bahagi ng isang mas malawak na estratehiya para sa disaster prevention at flood mitigation, na layuning gawing mas epektibo, organisado, at makatao ang pagtugon ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa mga epekto ng pagbaha.

Isa sa mga pangunahing bahagi ng programa ay ang kampanya kontra basura sa ilalim ng proyektong “Zero Basura, Zero Baha” na ilulunsad sa mga pampublikong paaralan at barangay.

Layunin nitong palakasin ang edukasyon sa tamang pagtatapon ng basura at hikayatin ang partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatiling malinis ang mga kanal at estero.

Magkakaroon din ng dedikadong mga enforcer na tututok sa paghuli sa mga lumalabag sa illegal dumping at pagtatayo ng mga istrukturang nakahahadlang sa natural na daloy ng tubig, partikular sa mga floodways at gilid ng ilog.

Bilang bahagi ng long-term solution, ipatutupad ang isang Komprehensibong Flood Management Master Plan na gagamit ng siyentipiko at batay-sa-datos na flood mapping.

Gagamitin ang impormasyon mula rito bilang gabay sa pagpaplano ng urban development, disenyo ng drainage systems, at rehabilitasyon ng mga daluyan ng tubig sa lungsod.

Nitong Marters, nilamon na ng baha ang kalye matapos umapaw ang tubig sa Zapote River Drive sa Brgy. Pulanglupa Dos.  Ang proyekto, inilunsad noong 2012 bilang bahagi ng ₱2.5-B flood control plan.

Ngunit kahit natapos na ito noong 2022, patuloy pa ring binabaha ang mga residente malapit sa ilog tuwing malalakas ang ulan at may bagyo.

Nakatuon din si Rep. Santos sa river dredging at rehabilitasyon ng Las Piñas at Zapote River. Bahagi nito ang malawakang paglilinis at paglalalim ng mga ilog upang mapabilis ang agos ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

Kasabay nito, aalisin ang mga illegal structures at informal settlements sa mga floodways, katuwang ang mga apektadong komunidad.

Magtatatag rin ng mga riparian buffer zones o mga protektadong lugar sa gilid ng ilog upang maiwasan ang pagguho ng lupa at pagbabara ng mga estero.

“Ang pagbaha ay hindi lamang suliranin ng imprastruktura kundi usapin din ng disiplina, urban planning, at pangmatagalang pag-iisip,” ayon kay Santos. “Dapat simulan ang pagbabago sa antas ng komunidad, paaralan, barangay, at tulong ng mga pambansang ahensya.”

Inaasahan ng mambabatas na sa pamamagitan ng inter-agency coordination, aktibong pakikilahok ng mga residente, at sapat na pondong nakalaan mula sa pambansang pamahalaan, ay tuluyang mababawasan—at sa kalaunan ay masolusyunan—ang matagal nang suliranin sa pagbaha sa Las Piñas.

“Hindi sapat ang mga panandaliang solusyon. Kailangan nating pagplanuhan ito ng masinsinan at sabay-sabay kumilos. Ang paglutas sa problema ng pagbaha ay responsibilidad nating lahat,” dagdag ng ni Santos.

Post navigation

Previous Inclement weather closes schools, gov’t offices in several areas Thursday
Next Subic dumping crackdown sparks call for nationwide environmental action

Related Stories

QC court junks Carpio petition to stop VP Duterte impeachment proceedings
  • Metro

QC court junks Carpio petition to stop VP Duterte impeachment proceedings

Manila rolls out action plan after drug-resistant bacteria found in Tondo ‘palamig’ stalls
  • Metro

Manila rolls out action plan after drug-resistant bacteria found in Tondo ‘palamig’ stalls

NBI arrests PGMN founder, 4 others over ₱300M extortion try targeting Romualdez
  • Metro

NBI arrests PGMN founder, 4 others over ₱300M extortion try targeting Romualdez

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 8 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.