ANIM na raliyista ang inaresto matapos makipagsagupa sa mga nakabantay na pulis bago dumating ng US Embassy sa Maynila sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa.
Ang hiling ng mga raliyista: itaas ang sahod ng mga uring manggagawa at iba pang hinaing para sa maliliit na mamamayan ng bansa.
Nagkaroon pa umano ng habulan at gitgitan sa pagitan ng mga pulis at raliyista bago arestuhin ang anim katao.
Dahil dito ay nagkaroon ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.
Ilan sa mga raliyista ang lumipat sa Museong Pambata malapit sa US Embassy. Initusan ng ng Manila Police District ang mga nakahimpil na mga pulis na posasan ang sinumang hindi susunod sa mapayapang rally gayundin ang paglapit sa US Embassy.
Sinabi ni Bayan president Renato Reyes, maliban sa isyu sa paggawa, kinondena rin ng mga ito ang umano’y panghihimasok ng US at pag-udyok sa giyera sa rehiyon.
“On the economic front, the groups are conscious of how the US has stunted the Philippines’ economic growth through its neoliberal policies. this framework is responsible for low wages and general underdevelopment,” sabi ni Reyes.
