MAHIGIT 1,400 pulis ang itatalaga sa Maynila bunsod ng pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 10, ayon sa Philippine National Police (PNP) said ngayong Martes.
Nabatid sa PNP-Public Information Office data na itatalaga ang 1,457 sa Kamaynilaan.
Sa naturang bilang, 92 ang police commissioned officers (PCO), habang ang 1,365 ay non-commissioned officers (PNCO).
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang ranggo ng PCO ay nagsisismula sa Inspector, ang katumbay ng 2nd Lieutenant sa military hanggang sa Director General, ang katumbas ng 4-star General habang ang PNCOs ay nagsisimula sa Police Officer 1 hanggang SPO4 (Master Sergeant).
Tatlong events naman ang binabantayan ng PNP personnel tulad ng Meisic Street Food Fair na tatagal hanggang sa Pebrero 15, na nagsimula na noong Pebrero 1 gayundin ang operasyon ng Mercato Food Stalls sa Intramuros noong Pebrero 2.
