Percy Lapid alleged gunman Joel Escorial (left) during a press conference on the slay of broadcaster Percy Lapid.
SUMUKO na sa kapulisan ang nagpakialang gunman na pumaslang sa broadcaster na si Percy Lapid, ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr.
Sa press conference, iniharap ni Abalos ang suspect na kinilalang si Joel Estorial.
“Ngayong umagang ‘to, gusto ko lang i-kumpirma na nasa kustodiya na ng PNP itong suspek na ang pangalan ay Joel Estorial. Siya ay of course taga-Quezon City,” sabi ni Abalos.
“Ang initial report ay siya ay sumurrender out of fear for personal safety dahil natakot siya sa kanyang safety dahil pagkatapos ilabas sa publiko ang kanyang mukha,” he added.
Noong Lunes ay sumuko si Estorial, ayon kay Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Kirby Kraft.
Si Lapid, Percival Mabasa sa totoong pangalan, ay host ng online broadcast program na “Percy Lapid Fire” sa DWBL 1242 at kolumnista ng Hataw.
Pinatay sya ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo habang pauwi sa kanyang tirahan sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City, noong October 3.
Nagbigay ng P6.5-milyong reward para sa agarang pagkakadakip sa suspect.
Iba pang suspect kinilala
Kinilala ni Estorial ang mga kasama niyang ang magkapatid na sina Edmon at Israel Dimagulangan at isang Orlando o Orly na driver ng kanyang motorsiklo. Sinabi nitong hindi niya kilala ang buong pangalan ni Orly.
Patuloy pa ring hinahanap ang magkapatid na Dimaculangan na taga-Las Pinas City.
Nag-utos, taga-Bilibid
Sa naturang press conference, ibinunyag ni Estorial na ang utos na pagpatay kay Lapid ay galing sa New Bilibid Prison (NBP). In a separate press conference, Nangako naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ibubunyag ang tao na nag-utos para patayin si Lapid.
“I actually have no knowledge yet ng kanyang sinasabi. I want to be briefed about it, and I will ask Secretary Abalos to brief me later. Sa loob ng Bilibid kung sino man ‘yan dapat malaman natin. Ilalabas natin ‘yan,” sabi ni Remulla.
Aalamin din ni Remula ang sitwasyon sa loob ng piitan upang malaman ang posibleng iregularidad.
“Generations and generations of people under the guards of Bilibid feel an entitlement to the positions that they occupy. And that the temptation there is so great that it’s so hard to check on these people,” dagdag pa ni Remulla.
CP for sale
Nakatanggap din ng report si Remulla na ang cellphone ay ibinebenta sa loob ng bilibid sa halagang P300,000 hanggang P500,000.
“We have a big problem in Bilibid and that’s why we have to reform our prison system. Not only the transfer of maximum security but the regionalization of prisons is now on the table,” sabi pa ni Remulla.
Umamin
Umamin din si Estorial na siya ang pumatay kay Lapid.
“Ang usapan namin doon, kung sino ang matapat doon sa Percy, siya ang babaril. Nagkataon po na natapat sa akin. Sabi naman po kapag di ko binaril ako po ang papatayin kaya binaril ko na po si Percy,” sabi nito.
Hindi fall guy
Itinanggi naman ni Abalos na fall guy si Estorial.
Sinabi nito nagtugma ang basyo at uri ng baril na ginamit ni Estorial sa ginawang ballistic examination.
Bukod dito, nabawi rin ang damit na suot nito nang makuhanan ng CCTV footage gayunman, punit-punit na umano ito upang maitago ang krimen.
Paumanhin
Humingi naman ng paumanhin si Estorial sa pamilya ni Lapid at sinabing hindi umano niya intensiyon na patayin ang biktima.
“Sana po mapatawad po ako nila. Hindi ko naman kagustuhan ‘yun,” sabi nito.
Marami pang aarestuhin
Samantala, naniniwala naman ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na matutukoy ang mastermind sa pagpaslang lalo na’t nakuha na ang gunman.
“Accountability in this case will help chip away at the culture of impunity around journalist killings that media, civil society and government agencies have been working to change,” saad ng pahayag ng NUJP.
“We join the Mabasa family, Ka Percy’s listeners and supporters, and the journalism community in monitoring developments in the case and in waiting for justice for his death.”
