DALAWA katao ang nasaktan nang magliyab ang Edsa Carousel bus na sinasakyan ng mga ito sa Makati City.
Nangyari ang insidente bandang alas-9 ng gabi malapit sa corner ng EDSA at Ayala Avenue.
Ayon sa driver ng bus, nakita niyang umuusok ang likurang bahagi ng bus kaya’t agad niyang inihinto ang sasakyan. Bigla na lamang itong nagliyab dahilan para sabihan ang mga pasahero na bumaba ng bus.
Dahil sa taranta, agad nagtakbuhan sa unahang bahagi ng bus ang mga pasahero. Nagtulakan at nag-unahang bumaba ang mga ito dahilan para masaktan ang dalawang katao.
Dinala sa ospital ang mga biktima sa tinamong sugat sa katawan.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection – Makati City ang dahilan ng pagliyab ng bus.

It is in ⲣoint of fact a grеat and helpful piece of
info. I’m glɑd that you ѕimply shared this helpful information with us.
Please keep us informed like this. Thank you for sharing.