DAHIL sa patuloy na kampanya ng Pambansang Pulisya kontra kriminalidad sa buong Kalakhang Maynila bumaba ang naitalang crime rate nitong nakaraang buwan ng Nobyembre.
Ayon sa National Captial Region Police Office (NCRPO) bumaba ng 9.31 percent o nasa 545 focus crimes ang naitalang crime rate sa buong NCR nitong Nobyembre.
Mas mababa ito kumpara noong buwan ng Oktubre na nasa mahigit 600 focus crimes.
Ayon kay NCRPO Chief Police Brigader General Jonnel Estomo, ito’y dahil sa mas pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra kriminalidad at sa kooperasyon na rin ng ating publiko.
Dagdag pa ni Estomo na hindi lamang ito achievement ng PNP bagkus ito’y isang pagpapakita na ang ating Kapulisan ay pinagkakatiwalaan na rin ng publiko.
Kaugnay nito, magdaragdag pa ng karagdagang 6,000 tourism Police officers sa iba’t ibang tourist destinations sa bansa para sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong papalapit na Kapaskuhan.
