NAUWI sa kamatayan ng mag-ina ang pakikipagbalikan ng lover na jail officer sa Valenzuela City.
Namatay noon din ang biktimang si Lanie Belan Bernardino 55, ng Navarette St., Arkong Bato sa tama ng bala sa ulo.
Ang kanyang anak na si Mary Grace, 27, ay naisugod pa sa Valenzuela City Medical Center ngunit kalaunan ay namatay din.
Nagbaril naman sa sarili ang suspect na si Mhel Pansa Manibale, jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), residente ng Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City.
Sa report mo PEMS Felix Viernes at PSSG Regor Germedia, nabatid na nakipaghiwalay na umano si Bernardino kay Manibale matapos nitong matuklasan na nakikipagrelasyon pa umano ang suspect sa isa sa mga anak na dalaga ni Bernardino.
Bandang alas-2:40 ng madaling araw ay sumugod umano sa bahay ni Bernardino ang suspect. Doon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang barilin ng suspect sa ulo ang nobya. Tinangkang awatin ni Mary Grace suspect ngunit siya man ay binaril sa ulo.
Matapos barilin ang dalawa ay nagbaril din sa ulo ang suspect.
