MAAARI nang madaanan ng mga motorista ang Binondo-Intramuros Bridge matapos pasinayaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte. May apat na lanes ang tulay at kakayanin nito ang nasa 30,000 motorista na papasok at papalabas ng Intramuros at Binondo araw-araw. Mayroon din itong bike lanes at sidewalks. Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya ng naturang tulay kahapon.
