ARESTADO ang isang umano’y bigtime drug pusher ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD), Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NCRPO sa buy-bust operation na isinagawa, hapon ng Martes.
Kinilala ni QCPD Director PBGEN Remus Medina ang nadakip na si Kamlum Deragin alyas Bryan Macarimbang, 34 anyos, residente ng Muslim Center, Quiapo Manila.
Ayon kay District Drug Enforcement Unit ng QCPD PLTCOL Glenn Gonzales, dakong 4:45 ng hapon (April 12) nang isagawa ang drug operation sa corner Examiner St. Quezon Avenue Q.C.
Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinamba ang suspect.
Nakumpiska mula kay Deragin ang 12 kilogram ng shabu na nagkakahalaga ng P81.6M, isang itim na nike gym bag at 1 milyon na boodle money.
Lumalabas na ang suspek ang siyang distributor sa NCR at mga katabing probinsya sa Region 3 at Region 4A.
Nakapiit na si Deragin at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
