Courtesy: Federico Sumayod
HIGIT na mas maraming basura ang iniwan ng mga deboto ng Poong Nazareno kumpara sa mga nakalipas na taon, ayon sa Department of Public Services ng lokal na pamahalaan ng Maynila ngayong Miyerkoles.
Ayon sa data, umaabot sa 158 truck ang nahakot na basura mula Enero 6 hanggang 10.
“The total volume of garbage collected during the celebration of the Feast of the Black Nazarene from January 6 to 10, 2024, has increased significantly as compared with the garbage collected from the past previous years,” ayon sa pagtala ng lokal na pamahalaan.
“A total of 158 truckloads and a volume of 468 metric tons was collected for the year 2024,” ayon pa ditto.
Ang pagtaas ng dami ng basura ay sanhi ng pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion na nahinto ng tatlong taon dahil sa pandemya ng Covid-19.
Mula 2020 hanggang 2023, umaabot lamang sa 43 hanggang 99 truck ng basura ang nahahakot pagkatapo ng Pisa ng Nazareno.
Bahagi ng selebrasyon ng Itim na Nazareno ay ang Traslacion kung saan ipinuprusisyon ang 400-anyos na itim na imahe ni Hesukristo mula Quirino Grandstand pabalik sa tahanan nito sa Quiapo Church.
Umabot naman umano sa 6.5 milyon ang nadebotong nakilahok sa prusisyon.
Nasa 453 katao ang iniulat na nasaktan, ayon sa Department of Health (DOH). Ang pinakamalalang sitwasyong medikal na naitala ay hinihinalang atake sa puso.
Umalis ang imahe sa Quirino Grandstand ng alas-4:45 ng madaling araw at nakauwi sa simbahan ng alas-7:44 ng gabi. Tumagal ang Traslacio ng 14 oras at 59 minuto at 10 segundo.
