Courtesy: Manila DRRM Office
NAPINSALA ang ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang babae na umano’y nahulog sa Quiapo underpass sa Recto, Maynila, Linggo ng umaga.
Hindi pinangalanan ang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt at jogging pants at mula 20-anyos pataas ang edad.
May sugat ito sa ulo at bali ang iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan para dahan-dahan itong isinugod sa ospital ng mga tauhan ng Manila DRRM at BFP-EMS.
Ayon sa ilang nakasaksi, nakaupo umano ang babae sa barandilya ng tulay nang mawalan ng balanse at mahulog.
Ilang oras ding nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko bago pa nadala sa ospital ang biktima.
