SUMIKLAB ang malaking apoy na lumamon sa Araneta bus terminal sa Quezon City, Huwebes ng hapon.
Ilang commercial establishment sa loob nito ang nasusunog.
Patuloy na inaapula ng mga bombero ang sunog na nagsimula pasado alas-4 ng hapon.
Base sa mga larawan, makikita ang makapal na usok na nagmumula sa sunog.
Itinaas na ang Task Force Bravo para sa sunog, ayon sa TXTFire Philippines nitong alas-5:16 ng hapon
Nakapag-evacuate naman ang tenants ng bus station, ayon sa manager nito.
Wala ring napaulat na nasaktan dahil sa sunog.
