Kuha ng NBBS Dagat-Dagatan FP page
ANIM katao ang patay, kabilang ang 2-anyos na bata, sa sunog na tumupok sa bahay ng mga ito sa Block 25 Dalagang Bukid St., Barangay Dagat-Dagatan Navotas City, ngayong Biyernes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Kabilang sa nasawi ang nanay, 41, tatay, 41, gayundin ang mga anak na 10, 3, at 2-anyos. Patay din ang pamangkin na 14 taong gulang. Isa rin ang iniulat na nawawala.
Hindi pa batid kung ano ang sanhi ng apoy. Naapula ang sunog bandang alas-5:44 ng umaga.
