UMABOT na sa 6.5 milyong deboto ang naiisa sa Traslacio, ayon sa Quiapo Church.
Nagsimula ang prusisyon ng alas-5 ng madaling araw at natapos ng alas-6 ng gabi kung saan naitala ang 6,532,501 katao.
Nasa 1,398,500 deboto naman ang naitala mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga.
Umalis ang imahe ng Black Nazarene sa Quirino Grandstand ng alas-4:45 ng madaling araw.
Pangunahing selebrasyon ng Feast of the Black Nazarene ang Traslacion kung saan ipinuprusisyon ang 400-anyos na imahe ng Jesus Christ o Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.
