Ilang minuto pa ang itinagal bago naapula ang apoy sa bumanggang sasakyan sa barrier.
HINDI na nakuha pang dalhin sa pagamutan nang tatlo sa apat na Philippine Air Force personnel na sakay ng isang kotseng sumalpok sa concrete barriers at magliyab sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Santolan, Quezon City kaninang madaling araw.
Sa paunang ulat ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas 2:00 ng madaling araw nang mahagip ng Honda Civic na sinakyan ng apat na PAF personnel ang concrete barrier ilang metro ang layo sa P. Tuazon tunnel sa Cubao.
Dead on the spot and tatlong hindi na pinangalanang biktima, habang nasa kritikal naman ang ika-apat na biktimang patuloy pang inoobserbahan sa pagamutan.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng Philippine Air Force na pawang tauhan nila ang nasangkot sa nasabing insidente. “The accident involved four (4) PAF personnel wherein three (3) were confirmed dead. The only survivor was brought to a hospital for immediate medical treatment.” Patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing aksidente.
Photo courtesy Jasper Adrian Ibanga
