Regional Public Information Office NCRPO / FB)
SUSPENDIDO na sa serbisyo ang dalawang miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) matapos silang magkapikunan at mang-iskandalo sa Muntinlupa City.
Ayon kay Police Gen. Rommel Francisco Marbil, iniimbestigahan na nila kung paano napunta sa Metro Manila ang dalawang sangkot na personnel na kasalukuyang nakadestino sa Mindanao.
Aniya, mananagot din sa batas at posibleng matanggal sa serbisyo ang pito pang opisyal na may direktang superbisyon sa SAF members. Samantala, base sa ulat ng Regional Public Information Office ng NCRPO, mga Chinese national na may kaugnayan sa POGO ang umano’y binibigyan ng dalawa ng ‘unauthorized’ VIP security sa Muntinlupa.
