SAMPU katao ang sugatan nang sumabog ang water tank sa isang gusali sa Paranaque City, Sabado ng gabi.
Ayon sa mga saksi, ang water tank ay nasa roof deck ng gusali na matatagpuan sa Quirino Avenue sa Barangay Tambo.
Nasira ang bahagi ng gusali dahil sa pagsabog. Bumagsak ang mga debris sa kalsada at tinamaan ang ilang sasakyan, kabilang ang isang sport utility vehicle (SUV) at e-trike.
Naapektuhan din ang linya ng kuryente at kinailangang isara ang kalsada para sa clearing operation.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.
