PATAY ang mag-asawang umano’y sangkot sa pambobomba sa isang bus ng Yellow Bus Lines (YBL) sa Tacurong City.
Sinabi ni Lt. Col. Lino Capellan ngayong Lunes na nanlaban umano si Aiman Mandi Ali at napatay ng mga pulis habang isinisilbi ang arrest warrant.
“We were to implement an arrest warrant in connection with the November 6 bus bombing in Tacurong City when the suspect opened fire on lawmen,” sabi ni Capellan.
Patay din ang asawa ni Ali na si Hainurisa na kasama nito sa loob ng bahay bandang alas-8:30 ng umaga sa Barangay Rosary Heights 6.
Sinabi ni Capellan na ang mag-asawa ay miyembro ng Dawlah Islamiya (DI) terrorist group sa ilalim ni Salahuddin Hassan, kilalang DI leader na may mga operasyon sa Maguindanao.
Sangkot din umano si Aiman sa Dec. 31, 2018 bombing ng South Seas Mall sa Cotabato City.
Nabawi ng mga pulis ang dalawang.45-caliber pistols, mga granada at sangkap sa paggawa ng bomba, motorbike, multicab vehicle, drone, at mga identification cards.
Namatay ang isang pasahero habang 11 ang sugatan kabilang ang umano’y may bitbit ng bomba nang sumabog ito sa loob ng Yellow Bus Lines unit malapit sa Tacurong City bus terminal.
Apat na taon na ang nakalilipas, dalawa naman ang patay habang higit sa 30 ang sugatan nang sumabog ang bomba sa mall.
More Stories
Aftershocks from magnitude 6 quake in Davao de Oro may last for weeks — Phivolcs
DOH turns-over 5 ambulances to Ilocos Norte government
DA kumikilos sa problema ng oversupply ng kamatis