MetroSunDaily

News and Current Affairs

Isa pa! Ikaanim na panalo target ng Binangonan sa recycled Christmas tree-making contest

TARGET ngayon ng lokal na pamahalaan ng baybaying bayan ng Binangonan na masungkit ang ika-anim na panalo sa taunang paligsahan para sa pinaka bonggang Recycled Christmas tree-making ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal.

Ayon kay Binangonan Municipal Administrator Russel Callanta Ynares, ang kanilang higanteng Christmas tree at gawa mula sa mahigit 2,000 botelyang plastik (4-gallon canisters) at mga tarpaulins na ginamit sa kampanya nito lamang nakaraang halalan.

Find this content useful? Share it with your friends!