MetroSunDaily

News and Current Affairs

Higantes muling ‘naglakad’ sa bayan ng Angono

Masayang ipinagdiwang ang Higantes Festival sa Angono, Rizal bilang pasasalamat sa biyaya natamo ng bayan sa nakalipas na taon sa harap ng pandemya ng Covid-19. Photo courtesy: Angono PIO

Ni Chris Lucas

MULING namataan habang naglalakad at nagsasayaw sa mga kalsada ng Bayan ng Angono ang kanilang mga Higantes matapos ang dalawang taong pagbabawal sa lahat ng festivies sa bansa dahil sa pandemyang hatid ng Covid-19.

Naging mas espesyal naman ang Higantes Festival ngayong taon dahil na rin sa pagdalaw at pakikiisa ng panauhing pandangal na si Vice President Sara Duterte.

Pinasasalamatan ni Duterte ang lokal na pamahalaan ng Bayan ng Angono dahil ito aniya ang unang pagkakataong siya ay makasaksi ng Higantes Festival.

Sa kanyang katuwaan ay naglambing si Duterte sa mag-amang Calderon na iuuwi na nya sa Davao ang mga higantes na kawangis nya at ni Pangulong BongBong Marcos, na agad namang pinagbigyan nga alkalde at bise alkalde.

Sinamantala na rin ni Duterte na pasalamatan ang bayan ng Angono sa naging tulong sa kanilang kandidatura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon naman kay Vice Mayor Gerry Calderon, ang Higantes Festival ay pasasalamat para sa kaligtasan ng Bayan ng Angono, Lalawigan ng Rizal at ng buong bansang Pilipinas.

Ang Higantes Festival ay ginaganap tuwing ikatlong Linggo sa buwan ng Nobyembre kasunod naman ang Fiesta ng San Clemente na patron ng bayan ng Angono.

Find this content useful? Share it with your friends!