GANAP nang pinailawan ng pamahalaang bayan ng Angono – mas kilala bilang Art Capital of the Philippines – ang katangi-tanging recycled Christmas tree na kawangis ng isa sa mga tampok na Higante nitong nakaraang Kapistahan.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, ang dambuhalang Christmas Tree ay siento-por-syentong gawa sa nakolektang basura (kabilang ang mga basyo ng softdrink, mineral water, mga retaso at pinaglumaan bombilya, tarpaulins na ginamit noong nakaraang halalan) mula sa 10 barangay ng naturang lokalidad. Kabilang sa mga dumalo sina (mula sa kaliwa) sina Angono Vice Mayor Gerardo Calderon, Mayor Jeri Mae Calderon, Rizal Gov. Nina Ynares, Vice Gov. Junrey San Juan at Provincial Board Members Glenn Gongora, Jun Cabitac at Joan Saguinsin.
More Stories
Aftershocks from magnitude 6 quake in Davao de Oro may last for weeks — Phivolcs
DOH turns-over 5 ambulances to Ilocos Norte government
DA kumikilos sa problema ng oversupply ng kamatis