MULING nag-viral ang larawan ng komedyanteng si Nicole Budol na kilala rin bilang Herlene Hipon sa post kung saan kitang-kita ang mas slim na katawan at mukha sa pinakabago nitong transformation.
“Ganun daw dapat ngiti ng Beauty Queen. dahil ang ngiti ay parang sakit na nakakahawa at nakaka goodvibes.
Ako nga pala si Binibining #8 – Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag bibigay ng kasabihan “Ang tamang sangkap sa tagumpay ay pag sisikap at patuloy na pagbangon sa pagkakamal,” ayon sa FB post ni Herlene.
Inulan ng pagbati at suporta ang page ni Herlene mula sa kanyang fans at supporters kung saan ilan sa mga ito ang nagsabing mukhang Thai ang komedyante at posibleng masungkit ang Bb. Pilipinas Grand International title at maging kinatawan ng Miss Grand International sa Thailand.