NALUNOD ang mag-asawang Pinoy habanag nasa fishing expedition sa sa timog ng Perth sa Australia.
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Leslie at Jun Ballo.
Naulila ng mga ito ang kanilang 13-taong-gulang na anak na babae.
Sinabi sa ulat na naalerto ang mga pulis matapos mabigong bumalik ang mag-asawa mula sa kanilang ekspedisyon.
Natagpuan sa Herron Point Boat Ramp ang kotse ng mga ito.
Narekober ang mga bangkay ng mag-asawa sa Peel Estuary mga 30 kilometro sa timog ng Mandurah sa Perth noong Marso 14, ayon sa report.
Bagama’t walang pinaghihinalaang foul play, ang mga karagdagang imbestigasyon ay isinagawa ng Western Australia Police.
Ang mag-asawa ay kasal sa loob ng 24 na taon at nag-renew pa ng kanilang mga kasal dalawang linggo lamang bago ang nakamamatay na insidente.
Nasa pangangalaga ng mga kaibigan at kaanak ng pamilya ang naulilang anak.
