MULING ipinakita ng Pinoy ang pagiging malikhain sa gitna ng pag-aalburoto at pagbuga ng apoy ng Bulkang Mayon. Sa mga larawan ay ipinakita kung gaano kaganda at kabagsik ang Daragang Magayon. Sa mga alamat, ang bulkan ay ipinangalan sa “Daragang Mayon, kung saan isang kwento ng pagmamahalan na nauwi sa trahedya nang umanong magpakamatay ang isang magandang dalaga makaraang patayin ang nobyo nito ng isang masugid na manliligaw.
Sa iba, ito ay nag-aalburotong mayon, ngunit sa ilan, ito si Daragang Mayon na muling nagising sa matagal nang magkakahimbing at hinahanap ang kanyang nobyo nang magising na wala ito sa kanyang tabi.
Naniniwala rin ang mga Bicolano na sa tuwing nababalutan ng ulap ang Mayon volcano, nangangahulugan umanong niyayakap ni Panganoron ang sinta na si Daragang Magayon.
Courtesy: Context FB page
