KAMI NAMAN. Bilang paghahanda sa nalalapit na Araw ng Kagitingan, idinaan sa makukulay na graffiti sa Caloocan, Navotas at Diliman (Quezon City) ng isang grupong nagpakilalang Ciento-Bente Milyong Mamamayan ang panawagan para sa pagkakaisa para malampasan ang mga pagsubok na dala ng gulo, alitan at labis na pulitika. Paalala ng grupo – “Lahat tayong mga Pilipino ay iisang lahi… ating tandaan na mula Luzon, hanggang Mindanao, dapat isang boses lang tayo para iparating ang mensahe sa gobyerno. Kami naman ang pakinggan, Ciento-Bente Milyong Mamamayan.
