SA unang pagkakataon ay nagpost ang Kapamilya actor/TV host na si Vhong Navarro ng litrato kasama ang buong pamilya ngayong Pasko.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ng aktor na: Napakarami kong pinagpapasalamat… ![]()
Thank you, Jesus! Happy Birthday! ![]()
Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin
maraming maraming salamat.
God bless!
Blessed Christmas sa ating lahat!![]()
Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.
Pansamantalang nakalalaya ang aktor matapos itong makapagpiyansa ng P1 milyon sa kinakaharap na kasong rape. Ilang buwan din itong nakulong sa NBI detention cell at sa Taguig City Jail dahil sa kasong isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo.
