
IPINAGDIWANG ni Senator Imee Marcos ang kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang official YouTube channel noong nakaraang weekend.
Ang kanyang September 24 vlog ay naka-sentro sa kanyang katatapos lamang na pagbisita sa National Kidney Transplant Institute (NKTI), na isa sa mga specialty hospitals na tinayo ng kanyang mga magulang.
At sapagkat dialysis patient ang dating pangulo, naging tradisyon na para sa senadora ang magbigay ng libreng dialysis para sa mga pasyente ng NKTI at ng iba pang piling mga ospital sa araw ng kapanangakan ng kanyang ama.
Ipinapakita sa vlog na ito ang isang pagsilip sa isang adbokasiya na malapit sa puso ni Imee na talaga namang nakakakurot ng puso sapagkat alam niya at ng kanyang pamilya kung paano mamuhay at mag-alaga ng isang taong may karamdaman sa kidney.
Noong Setyembre 25 ay iniwan panandalian ni Imee ang masaya niyang mga vlogs para sa isang seryosong content ukol sa isang forum na kanyang hinanda para sa ika-50th na anibersaryo ng Martial Law na pinamagatang SingKWENTA’T SingKWENTONG Martial Law.
Dinaluhan ang forum ng mga dating military officers at mga leftist rebels para sa isang malayang diskusyon tungkol sa kanilang mga personal na karanasan nuong panahon ng martial law.
Siniyasat ng open dialogue ang kanilang mga natutunan mula sa yugtong yuon ng ating kasaysayan habang binigyan linaw din nila ang mga mito at haka haka sa pamamagitan ng mga pananaw ni Imee at ng mga panelists gaya ng mga dating senador na sina Juan Ponce Enrile, Kit Tatad, at Gringo Honasan.
Mapapanood ang vlogs ni Imee sa Youtube kaya wag kalimutang mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.
–o0o—o0o—

Patuloy na umuugong ang balitang hiwalay na ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Matay. Ito ay pagkatapos i-unfollow ng aktres ang half-brother ni Ara Mina sa kanyang Instagrm account.
Sa isang post ni Sunshine sa kanyang Facebook account ay ibinahagi rin ng aktres ang kanya raw mga realization habang nasa lock-in taping siya ng isang teleserye.
Aniya, “I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best.
“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.
“So much blessings are being given to me and my family after all. Wala akong karapatang mag reklamo. (praying hands at heart emojis).”
Ang huling post ni Sunshine ay noon pang Agosto 27 kung saan magkasama sila ni Macky sa debut party ng anak na si Sam kung saan present din ang ex-husband nitong si Cesar Montano.
At nitong 21st birthday ng anak ni Sunshine na si Angelina Isabel ay wala rin si Macky. Present naman ulit si Cesar kasama ang kanyang girlfriend na si Socorro Angeles at ang tatlo nilang anak na dalawang lalaki at isang babae.
“So happy to meet these cuties (heart emojis),”caption ng aktres sa ipinost na larawan.
Ang nakapagtataka rin ay kung bakit wala man lang post ng pagbati ang konsehal ng San Juan para sa kaarawan ni Angelina Isabel na ang alam namin ay malapit din kay Macky.
Teka, may kinalaman kaya ang pagkanta ng ni Sunshine Cruz ng “Someone That I Used To Love” sa kasalukuyang estado ng relasyon niya kay Macky? Nag-viral ang nasabing video at meron na ngayong more than 1 million views.
