GINULAT ng actress/tv host na si Maine Mendoza ang showbiz world nang ihayag na engaged na sya sa nobyong si Quezon City First District Rep. Arjo Atayde.
Ngayong Biyernes, nag post si Maine, 27, sa kanyang Instagram kung saan ipinakita ang kanyang engagement ring, kasama si Arjo, 31. Agad bumuhos ang suporta at pagbati sa mag-nobyo.
Tatlong taon at pitong buwan na silang magkasintahan.
Base sa Instagram post ni Maine, nag-propose sa kanya si Arjo sa isang lugar na may illuminated white roses garden.
“Wait, whaaaat??? We’re engaged?!” simpleng caption ni Maine.
