NABAHIRAN ng lungkot ang saya na naramdaman ni TV host Robi Domingo sa kanyang kasal nang sabihin ng kanyang ina sa pagtatapos ng selebrasyon ang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola.
Ipinaalam ng nanay ni Robi ang malungkot na balita pagkatapos ng kasal nito sa partner na si Maiqui Pineda.
Itinago ng pamilya ni Robi ang pagkamatay ng kanyang lola upang makapag-focus lamang ito sa kanyang wedding reception.
“Bittersweet… As I was about to leave the place, my mom was sobbing as she tried to tell me that my Lola passed away that same morning. Apparently, my family didn’t tell us so that our focus was our magical day,” ayon sa post ni Robi sa Instagram.
Ibinahagi rin ni Robi kung gaano kasarap magluto ng ube halaya at leche flan ng kanyan Ina (tawag nito sa kanyang lola).
Ikinasal si Robi at Maiqui sa San Isidro Labrado Parish sa Pulilan, Bulacan noong Enero 6.
