Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Entertainment

Kit Thompson balik-showbiz pagkatapos ng bugbugan isyu

By Leo Bukas
admin September 6, 2022

Kit Thompson

WALANG kahit anong apprehension sina Direk Carlo Obispo at ang Viva Films unit head at producer din ng 3:16 Media Network na si Len Carrillo na isama sa cast ng pelikulang Showroom ang controversial actor na si  Kit Thompson. Ang pelikula ay sinulat at pagbibidahan din ni Quinn Carrillo kasama sina Rob Guinto at Emilio Garcia.

Ayon sa producer, nakatrabaho na niya noon si Kit sa pelikulang Moonlight Butterfly na launching movie ni Christine Bermas mula sa direksyon ni Joel Lamangan at wala raw naman siyang naging problema sa aktor. Maagaan din daw itong katrabaho at mahusay ding umarte.

Para naman kay Direk Carlo kung saan tinanghal na Cinemalaya best picture ngayong 2022 ang pelikula niyang The Baseball Player nang malaman niyang si Kit ang isa sa magiging bida ng pelikula ay kaagad na niyang sinabihan ang production na ipa-block na kaagad ang schedules nito. Ganun daw siya ka-excited na makatrabaho ang binata.

Ayon pa sa director at producer ng Showroom ay wala silang pakialam sa kung anuman ang naging isyu noon ni Kit sa kanyang dating karelasyon. Ang importante raw sa kanila ay kung paano ito magtrabaho sa set.

Sa ginanap na storycon ng pelikula ay nagbigay naman ng reaksyon si Kit na huling napanood sa Kapamilya series na Mea Culpa (Sino Ang May Sala) at sa pelikulang Sarap Mong Patayin. Aniya, masarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga nangyari sa personal na buhay niya ay may mga tao pa ring nagtitiwala sa kanya.

“Siyempre ano, thankful ako na may mga taong you know… Tiningnan pa rin kung paano ako magtrabaho, na nakasama ako at kung paano ako. So, nakaka-touch, nakakatuwa na…” simulang pahayag ni Kit.

Dugtong niya, “Kasi akala ko… Ang hirap kasi, eh… ang hirap lang kasi  you know I think everything is turning… Hindi ko ma-articulate ng sarili ko.

“Pero yon nga, nando’n pa rin nga,, na may mga tao pa ring naniniwala  sa ‘yo. And it inspires me to do better and be better for myself.”

Sa naging pahayag ni Kit ay pinasalamatan din niya ang kanyang management team, ang Cornerstone na hindi rin daw bumitaw sa kanya sa kabila ng mga nangyari.

“I’m thankful na I’m back! Actually pinagdasal ko nga ito, eh, I think a week ago or something. Habang nag-iisip ako nagdasal lang ako and eto, dumating nga, so I thank the Lord for this,” masayang pahayag ni Kit Thompson.

Naging kontrobersyal si Kit dahil sa isyu ng bugbugan nila ng ex-girlfriend na si Ana Jalandoni na nangyari sa isang hotel sa Tagaytay. Nagbigay ng version ng kanyang istory ang sexy star na binak-apan pa ng police report tungkol sa nangyari pero nanatiling tikom naman ang bibig ni Kit. Sa kalaunan ay napatawad na rin ni Ana ang ex-boyfriend pero hindi na nagkabalikan ang dalawa.

During the storycon, nakiusap ang producer n pelikula na huwag nang tanungin si Kit about his personal life kaya matipid din ang pahayag ng binata about his new chance na makagawa ulit ng pelikula at makabalik sa showbiz.

Tags: ana jalandoni bugbugan kit thompson Leo Bukas metroscoop

Post navigation

Previous Budget measure ‘on track’ for September 30 passage
Next ES Rodriguez faces Senate blue ribbon committee over sugar fiasco

Related Stories

Aaron Khong Hun: Rediscovering Talent at Artist Lounge Multimedia 
  • Entertainment

Aaron Khong Hun: Rediscovering Talent at Artist Lounge Multimedia 

Best Magazine Publisher Richard Hiñola pays courtesy call on Gov. Fernando
  • Entertainment

Best Magazine Publisher Richard Hiñola pays courtesy call on Gov. Fernando

Comedian Wally Bayola stable after motorcycle accident in Camarines Sur
  • Entertainment

Comedian Wally Bayola stable after motorcycle accident in Camarines Sur

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 1 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.