KAPWA kinumpirma nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hiwalay na sila.
Ngayon hapon ay nag-post si Daniel sa kanyang Instagram na kumukumpirma sa kanilang paghihiwalay ni Kathryn matapos ang 11 taon na magkasintahan.
Sa isang emosyunal na post sa Instagram, sinabi ni Daniel na lagi niyang babaunin ang kanilang mga alaala sa kanyang puso at magiging liwanag sa madidilim niyang araw.’
“Bal, ang pagmamahal ko sa yo ay walang hanggan at walang katapusan.”
Sa panig ni Kathryn, pinasalamatan din niya ang dating nobyo sa mga panahong pinagdaanan at pinagsamahan nila.
Matapos ang mahabang post tinapos ito ni Kathryn ng “Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding.”
