IBINASURA ng Supreme Court ang kasong rape at acts of lasciviousness laban kay television host at comedian na si Vhong Navarro.
Ayon sa report, binaligtad ng kataas-taasang hukuman ang desisyon ng Court of Appeals na inilabas noong Hulyo 2021 at Setyembre 2022.
Ang kaso ay nag-ugat sa demanda na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa aktor noong 2014.
