MUNTIK maipit sa gulo sa Israel ang mga GMA artists na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Boobay matapos manatili sa mga shelter sa Israel nang ideklara ang lockdown sa surprise attack ng militantent Hamas forces sa Israel.
Higit na sa 1,000 ang nasawi at pinangangambahang aakyat pa ang bilang sa itinuturing na pinakamadugong karahasan sa nakalipas na 50 taon.
Dahi dito, ipinagpaliban ang “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” concert ng tatlong stars ng GMA na gaganapin sana sa Smolarz Auditorium sa Tel Aviv University noong October 7.
Sa Instagram post, nagpalabas ang Sparkle ng special advisory na nagsasabing ligtas ang buong team ni San Jose, Cruz at Boobay, gayundin ang Filipino concert organizers sa harap ng gulo na nagaganap sa Tel Aviv.
“In view of the recent reports we are getting from Tel Aviv, the management of Sparkle would like to announce that Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay, and the Sparkle Team who are currently in Israel now for a concert are all safe,” sabi sa anunsiyo.
Tiniyak din sa advisory na ang buong GMA team ay pauwi na ng Maynila tulad ng nasa schedule.
“We thank everyone for their well wishes as we pray for their continued safety and protection,” it said.
Sakaling humupa na ang tensiyon sa naturang bansa ay magkakaroon muli ang concert doon ang Julie-Ver.
“So far, safe sila ngayon. Na-cancel na ‘yung show nila. They are still waiting for the airport to be open para makauwi sila… Sana, makauwi sila today. Waiting pa sila sa pagbukas ng airport, biglang nagsara kasi,” ayon sa advisory.
“Nag-viber si Ray (Rayver) ngayon lang. Naka-lockdown sila at nag-advice na stay inside at close pa rin ang airport pero safe naman daw sila. Sa ngayon, ‘di pa sila pinapalabas.”
Nagtungo ang grupo ni San Jose, Cruz and Boobay at GMA team sa Tel Aviv noong October 3 ilang araw bago bombahin ng militanteng Hamas ang Israel.
