NANALO ang komedyanteng si Pokwang sa deportation case na isinampa nito sa dating karelasyon na si Lee O’Brian.
Sa walong pahinang resolusyon noong Disyembre 12, iniutos ng Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon kay Lee, William Lee O’Brian sa totoong buhay.
Isinama rin ito sa listahan ng blacklist sa ahensiya na may remark: Deported: violation of his work visa (work in a different company), the cancellation of Lee O’Brian’s pre-arranged employment visa, and the issuance of a Warrant of Deportation against him, among others.
Sinabi rin sa resolusyon na ang aktibong pagtatrabaho ni Lee sa pelikula at telebisyon at teatro ay paglabag sa pananatili niya sa bansa.
Ito ang mga proyektong ginawa ni Lee mula 2016 hanggang 2023.
Nilagdaan ang resolusyon ng tatlong miyrmbeo ng Board of Commissioners na sina Commissioner Norman Tansingco, Deputy Commissioner Joel Anthony Viado, at Deputy Commissioner Daniel Laogan.
Nagsampa ng deportation case si Pokwang laban kay Lee noong Hunyo.
Kabilang sa reklamo ng aktres kay Lee ay financial abuse, intimidation, at abandonment sa kanilang anak na si Malia.
Sinabi ni Pokwang na patuloy na nire-renue ni Lee ang kanyang tourist visa habang nagtatrabaho bilang aktor.
