DISMAYADO ang aktor na si Dennis Padilla sa sinapit sa isang restaurant sa seaside ng Macapagal Boulevard dahil matapos syang i-treat ng kanyang balikbayan na bestfriend, higit sa P38,000 ang inabot ng bill nila.
Hindi rin makapaniwala ang aktor na ang isang basong mango shake na nakalagay sa disposable plastic cup ay nagkakahalaga ng P450. Ang lobster ay nasa higit P5,500 at iba pang pagkain sa menu na nakalulula ang presyo.
Sinabi ng aktor na nahiya siya sa kaibigan niyang balikbayan na tila na hold-up ng nasabing restaurant dahil sa mahal ng binayaran.
“Sanay naman po kaming magbayad ng mahal pero ito.., sobra naman ata,” sabi ni Dennis.
