SINORPRESA ni dating Miss Universe Catriona Gray at aktor na si Sam Milby ang kanilang fans at followers matapos ihayag ang kanilang engagement.
Sa kanilang instagram, ipinakita na may hawak na kape ang dalawa, may singsing si Catriona habang nakasulat naman sa cup ang “future Mrs. Milby.”
“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancé,” ayon sa sulat ni Catriona.
Sa kanyang post, sinabi ni Sam na “I (FINALLY) put a ring on it!”
“I love you my forever koala… now my fiancé,” ayon pa sa aktor.
Sa comments section, simpleng “I love you” lamang ang tugon ni Catriona.
