

MARAMI ang nagulat nang magsulputan sa social media ang mga larawan ng kasal nina Gawad Urian Best Actress Charlie Dizon at aktor na si Carlo Aquino.
June 9, Linggo, ikinasal sina Charlie at Carlo sa isang private resort sa Silang, Cavite.
Dinaluhan ito ng mga big boss ng ABS-CBN, mga bigating personalidad at malalapit na kaibigan sa showbiz.
Marami ang humanga dahil nagawa nila itong itago at bumulaga na lamang matapos ang kasal.
Ilang taon na rin ang nakalipas nang maging couple ang dalawa.
Si Carlo ay may isang anak sa former partner nito.