USO na nga ba ang pagiging praktikal ngayong Valentine’s Day o higit pa ring nangingibabaw ang pagiging romantiko sa araw ng mga puso?
Ito ay matapos imungkahi ng Department of Agriculture (DA) na magregalo na lamang ng bigas sa halip na bulaklak sa minamahal sa espesyal na araw, bukas.
”Ang dapat iregalo natin sa Valentine’s Day sa ating mahal sa buhay, bigas, huwag na ‘yung flowers kasi di makain ‘yun. Matinik pati, kasi ang rosas matinik. Pero matamis ang bigas. Bigas pa more,” sabi ni DA Undersecretary Roger Navarro.
Sinabi ng DA na may sapat na supply ng bigas ang bansa hanggang sa unang kalahati ng taon.
Ang supply, ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ay mula sa pang-angkat at inaasahang pag-ani sa Marso at Abril.
