INIHAYAG ng mga oil firm ang rollback bukas, Martes, matapos ang dalawang magkakasunod na dagdag-presyo sa mga ito.
Sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. and Seaoil Philippines Inc. na magtatapyas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.35, sa diesel ay P1.10, at kerosene sa P0.45.
Magkakaroon din ng pagbabago sa presyo ang Cleanfuel, Phoenix Petroleum Philippines Inc., Petro Gazz, PTT Philippines Corp., at Unioil Petroleum Philippines Inc. ngunit hindi sa kerosene.
Ipatutupad ang adjustment alas-6 ng umaga ng Martes maliban sa Caltex and Cleanfuel, which na magpapatupad ng bawas presyo ng alas-12:01 a.m. ng Martes.
Hindi naman nagsabi ang ibang oil firms kung may pagbabago rin sa kanilang presyo.
