POSIBLENG tumaas ang presyo ng diesel ng hanggang P6 kada litro sa Martes matapos bmagsak ang presyo nito ng limang magkakasunod na linggo.
Tataas ng hanggang P6.20 ang presyo ng diesel habang ang gasoline ay magkakaroon ng dagdag na P1.20 hanggang P1.40 kada litro.
Samantala, ang presyo ng kerosene ay magkakaroon ng dagdag presyo ng mula P3.50 sa P3.70 kada litro.
Ang dagdag-presyo, ayon sa Department of Energy, ay dahil sa desisyon ng OPEC na magbawas ng produksiyon ng langis ng 2 milyong bariles kada araw.
“Nag-react na ang market even before Wednesday. Nagsimula nang tumaas e alam na nilang may parating na ganyang desisyon,” sabi ni Energy director Rino Abad.
Nauna nang inilabas ng mga eksperto sa industriya na P4/liter price hike sa imported diesel, P0.65 sa gasolina, at higit P2 naman sa kerosene.
Leo Bellas, president of Jetti Petroleum, earlier suggested that the figures may even increase.
“Malaki po ang posibilidad na tumaas pa yan dahil po sa sinasabi nating premium lalo na po ngayon dahil sa desisyon ng OPEC baka lalong tumaas ang risk premium at freight na ang kalalabasan ay talagang mas mataas,” sabi ni Leo Bellas, president ng Jetti Petroleum.
Bumagsak ang presyo ng langis sa limang magkakasunod na linggo dahil sa epekto ng resesyon.
