Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Business

BSP sablay ulit sa bagong P1,000 bill

Metrosundaily December 12, 2021

MULING sumablay sa ikatlong pagkakataon ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa paglilimbag ng P1,000 salapi kung saan ibinida ang Philippine eagle bilang pambansang ibon.

Sa isang Facebook post, pinuna ng ni Michael Angelo Francisco, isang manunulat sa larangan ng agham, ang aniyang maling deletrea (spelling) ng scientific name ng Philippine eagle. “Pithecophaga jefferyi po ang Philippine eagle.

Hindi ‘Pithecophega jefforyi,” ani Francisco sa kanyang kumalat na social media post. Bukod sa spelling, mali rin aniyang “regular font” ng mga letra ang gamitin para sa mga scientific names ng anumang organismong tukoy ng agham.

“Italicized dapat lagi kapag binomial nomenclature o scientific name. Naitama naman nila ito sa likod ng bagong 1,000-peso bill (sa pagkakasulat ng Pinctada maxima) kaya nakapagtatakang namali ito sa harapan,” saad pa ng kanyang social media post.

Aniya, hindi dapat ipagwalang bahala ang nasabing pagkakamali lalo pa’t pakay ng bansa ang ipakilala sa buong mundo ang pambansang ibon.

“Huwag po sana natin itong ipagwalang-bahala, dahil maliit man ang font nito ay hindi ito maliit na pagkakamali. Kung ang nais po natin ay maayos na maipakilala sa mga tao ang mga species na nanganganib, importanteng maayos din po ang pagkakasulat ng kanilang mga pangalan. Salamat po.”

Taong 2020 nang sumablay din ang BSP sa paglilimbag ng mga P1,000 papel na salapi kung saan nakatitik ang pangalan ng Pangulo — Rodrigo Boa Duterte, sa halip na Rodrigo Roa Duterte.

Gayundin ang nangyari sa P100 paper bills noong 2010 nang mailimbag naman ang pangalan ng noo’y Pangulo — Gloria Macapagal Arrovo, sa halip na Gloria Macapagal Arroyo.

metrosundaily

Post navigation

Previous Gov’t spent $740-M just for the feasibility studies
Next DOLE halts labor inspection in Dec

Related Stories

Peso extends gains for third day on soft US inflation
  • Business

Peso extends gains for third day on soft US inflation

BSP supports expansion of digital fare payments to LRT-2
  • Business

BSP supports expansion of digital fare payments to LRT-2

Unemployment rises: 2.5M jobless Filipinos in May 2026, rate hits 4.8%
  • Business

Unemployment rises: 2.5M jobless Filipinos in May 2026, rate hits 4.8%

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sun, 26 Jul.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. Webpanda on Adiong: Marcoleta rallies should not affect VP Duterte impeachment trial
  2. Obet on House prosec Ridon brings maleta with mangoes, wigs: Not all luggage contains cash

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Facebook
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.